登入Kinabukasan, maagang-maaga pa lang ay nagising na ako. Hindi dahil sa tapik ni Ephraim o sa amoy ng bagong timplang kape sa veranda, kundi dahil sa tunog ng aking alarm at sa matinding pag-aalala na agad sumariwa sa isip ko pagkamulat ng aking mga mata. Mabilis kong binalingan ang kabilang kama kung saan nakahiga si Ephraim. Mahimbing pa rin ang kanyang tulog, subalit bakas pa rin ang kaunting pamumula sa kanyang mga pisngi.Agad akong tumayo at lumapit sa kanya para tingnan ang kanyang noo gamit ang likod ng aking palad. Mainit pa rin siya, bagamat hindi na ganoon katindi kumpara kagabi. Kinuha ko ang thermometer para masiguro: 38.4 degrees Celsius. May lagnat pa rin.Dahil dito, napagdesisyunan ko na agad na mag-text sa group chat naming magkakaibigan upang ipaalam ang sitwasyon. Sinabi ko na hindi muna kami makakasama sa anumang plano para sa araw na ito dahil may sakit ang kanilang pinsan at kaibigan. Nagplano kasi sila ng isang island hopping.Hindi pa lumilipas ang tatlumpung m
Mabilis siyang lumingon sa akin at pilit na nagpakita ng isang malawak na ngiti—ang pilyong ngiti na madalas niyang gamitin para asarin ako. "Siyempre naman, Leila ko. Medyo napagod lang siguro sa mga ginawa nating activity ngayong araw. Pero sulit naman, 'di ba?"Subalit bilang isang abogada, sanay akong magbasa ng mga micro-expression ng tao. At bilang babaeng unti-unti nang nahuhulog sa kanya, hindi ako pwedeng magkamali. Pilit man niyang itinago sa likod ng kanyang mga ngiti ang nararamdaman, halatang-halata sa kanyang mga mata ang kakaibang bigat at pagtamlay. Ang mapupungay niyang mga mata na kanina lang ay kumikinang sa saya ay tila ba tumatamlay na ngayon at mapupula ang paligid nito.Hindi ako naniwala sa kanyang palusot. Humakbang ako palapit sa kanya. Nang makarating ako sa harap niya, hindi na ako nag-atubili pa. Agad kong iniangat ang aking kanang kamay at idinampi ang likod ng aking mga palad sa kanyang noo, bago ito inilipat sa kanyang leeg.Nang dumiit ang balat ko
"Attorney..." pabulong niyang sabi, medyo paos at mababa ang boses habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin mula ulo hanggang paa. "Sinasadya mo ba talagang parusahan ang puso ko ngayon? Sabi ko na nga ba, mas maganda at mas sulit ang view dito sa private pool natin kaysa sa kahit anong isla. Yubf ako lang talaga ang makakatanaw ng magandang tanawing ikaw lang ang may likha."Inabot niya ang kanyang malalaking kamay upang alayan ako sa pagbaba sa pool. Nang dahan-dahan nang makalubog ang aking katawan sa maligamgam na tubig, hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Banayad ngunit may paninindigan niyang hinila ang aking baywang para magkalapit nang husto ang aming mga katawan. Sobrang lapit namin na ramdam ko na ang kanyang hininga.Sa ilalim ng nag-aapoy na kulay ng sunset ng Maldives—kung saan ang langit ay unt-unti nang nagiging kulay ube, pink, at gold—naramdaman ko ang init ng kanyang balat at ang napakabilis na pagtibok ng kanyang puso sa kanyang dibdib. Isang patunay na sa pa
At sa buong oras na iyon, totoong-totoo na hindi niya kailanman binitiwan ang aking kamay. Kahit saglit, hindi niya ako hinayaang lumangoy nang mag-isa. Siya ang naging matatag kong anchor sa gitna ng malawak at malalim na kailaliman. Ramdam na ramdam ko ang totoong proteksyon at pag-aalaga sa bawat sandali ng aming pagsisid.Nang oras na para umahon, dahan-dahan kaming umakyat pabalik sa ibabaw ng tubig. Pagkaalis na pagkaalis ng aking regulator sa bibig, hindi ko na napigilang sumigaw sa sobrang excitement at saya."Ephraim! Ang ganda-ganda doon sa ilalim! Nakita mo ba 'yung mga isda? At 'yung malaking pagong, dumaan talaga sa harap natin!" masaya kong sigaw habang nakakapit sa gilid ng bangka, habang umaapaw ang ngiti sa aking mukha.Inalis din ni Ephraim ang kanyang mask at hinawi ang basang buhok na humarang sa kanyang noo. Ang kanyang mga mata ay nagniningning din sa saya, kitang-kita na masayang-masaya siya dahil nakita niya akong ganito kaligaya."Nakita ko, Leila ko," natataw
Paglabas ko ng banyo, tuluyan nang nawala ang natitirang antok sa katawan ko. Para bang winalis iyon lahat at hinugasan ng tubig na ginamit ko pagligo. Nakahanda na ang lahat sa veranda. Hindi lang dalawang tasa ng kape ang nandoon, kundi isang masaganang almusal na may mga bagong lutong pastry, sariwang prutas, at ang paborito kong omelet.Umupo ako sa tabi ni Ephraim at binalot muli ang sarili ng aking cardigan habang sumisipsip ng mainit na kape. Sabay naming pinanood ang marahang pagbura ng liwanag sa kadiliman ng gabi. Ang langit ng Maldives ay unt-unting nagbago—mula sa malalim na asul, naging pastel pink at gold ang guhit sa abot-tanaw."Sabi ko sa iyo, masarap magkape kapag ganito ang tanawin," sabi ni Ephraim, bago ibaba ang kanyang tasa at lumingon sa akin. Ang kanyang mga mata ay tila mas maliwanag pa kaysa sa sumisikat na araw. "Pero mas masarap magkape dahil sa wakas, hindi ka na nakasimangot sa harap ko.""Swerte mo lang dahil maganda ang gising ko ngayon," biro ko sabay
Pagbukas ko ng pinto ng banyo, sumalubong sa akin ang amoy ng sariwang lavender mula sa isang humidifier na binuksan niya. Nakita ko si Ephraim na nakatayo malapit sa aking kama, hawak ang isang hair blower na hiniram pa ata niya sa front desk kanina."Oh, bakit basa pa ang buhok mo? Baka sipunin ka niyan, mahirap magkasakit sa bakasyon," untag niya sa akin habang lumalapit sa aking pwesto."Hayaan mo na, matutuyo rin naman ito mamaya kapag natulog ako," sagot ko habang pinatutuyo ng tuwalya ang dulo ng aking buhok."Hindi pwede. Maupo ka muna rito sa gilid ng kama," utos niya sa tonong maalaga. "Magkakasakit ka niyan at magiging abala yan sa bakasyon natin."Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Naupo ako sa gilid ng aking kama habang si Ephraim naman ay pwesto sa aking likuran. Isinaksak niya ang blower at sinimulan itong paandarin. Naramdaman ko ang banayad at mainit na hangin na dumampi sa aking anit. Mas lalo akong napapikit nang magsimulang dumaan ang kanyang mga daliri sa aking
Naalimpungatan ako, dahil sa tunog ng cellphone sa gilid ng mesa. Nasa loob pa iyon ng aking bag. Kahit masakit ang aking ulo, lalo na ang aking katawan, kinapa ko iyon, saka dinukot ang aking cellphone. Si Leila!“Hoy! Bruha ka, nasaan ka na? Sabi ko, room 839, bakit wala ka pa dito! Lumamig na yu
"Tinatawagan po ang lahat ng kalalakihan na magtungo sa unahan!"Malakas at masiglang anunsyo ng host."Iyon lang pong mga binata! Inuulit ko, mga binata! Hindi binabinata, hindi binata noon pero may tatlo nang anak ngayon, hindi rin iyong nakikipaghiwalay pa lang. Ang kailangan namin ay iyong mga
Habang naglalakad kami nang mabagal sa gitna ng simbahan, hindi ko napigilang bumulong kay Lolo George. Ang aking mga mata ay nakatitig pa rin kay Lionel na nasa unahan. Kawawang lalaki. Parang konti na lang ay hihimatayin na siya sa takot, at ang kanyang tuhod ay halatang nanginginig sa ilalim ng
POV: ChantalHilong hilo na ako. Masamang masama ang aking loob. Hindi ko akalaing tatraidurin ako ni Jansen ng dahil lang sa hindi ko siya mapagbigyan sa kama! Sisiguraduhin kong nagkakamali siya ng akala, na hahabulin ko siya! Hinding hindi ko na gagawin ang mga katawa tawang bagay na iyon.Sumus







