LOGINTumingala si Craige sa kanya, may bahagyang ngiti sa mga labi nito.“Ano? May sikreto ba kayong mga babae na hindi ko pwedeng malaman?”Ayaw ni Jessica na mahalata ang kanyang iniisip kaya dali-dali siyang sumagot.“Siyempre naman. Marami kaming sikreto bilang mga babae. Bakit naman namin sasabihin sa ’yo?”Bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi ni Craige.“Sige, naiintindihan ko. Kumain ka muna ng almusal. Pagkatapos ay ihahatid kita roon at aalis na rin ako. Ayos ba?”Tumango si Jessica bilang tugon.“Salamat, Mr. Montero.”****Pagkatapos mag-almusal, inihatid siya ni Craige sa ospital upang bisitahin si Maxine, na naka-duty nang araw na iyon.Hindi nagtagal, dahan-dahang huminto ang mamahaling sasakyan sa harap ng ospital.“Ihahatid na kita sa itaas,” alok ni Craige sa kanya.Ngunit umiling si Jessica.“Huwag na. Dito mo na lang ako ibaba. Nag-usap na kami ni Maxine, kaya ako na ang hahanap sa kanya.”Hindi na niya ito binigyan ng pagkakataong tumutol. Agad niyang b
Masama naman siyang tiningnan ni Jessica.Napangiti lamang si Craige. Marahan nitong inabot ang dulo ng kanyang ilong at bahagyang kinurot iyon.“Gutom ka na ba?”Tinabig ni Jessica ang kamay nito, ngunit tapat pa rin siyang sumagot.“Oo.”“Kung gano'n, ipaghahanda kita ng almusal.”Pagkasabi no'n, ibinaba ni Craige ang kumot, bumangon mula sa kama, at nagsimulang magbihis.Nahihiya namang tumingin si Jessica sa lalaki. Ngunit sa harap ng isang napakaguwapong lalaking nagpapalit ng damit, tila naman sayang kung hindi siya maninilip kahit sandali.Kaya naman ay palihim siyang sumulyap.Naisuot na ni Craige ang pantalon nito at isa-isa nang isinasara ang mga butones ng puti nitong polo. Isa itong lalaking kapag walang suot na pang-itaas ay litaw ang matitipunong kalamnan, ngunit sa oras na magbihis ay nagmumukhang elegante at maringal. Ang matangkad at halos perpekto nitong pangangatawan ay likas na naglalabas ng kakaibang karisma.Mahahaba at mapuputi ang mga daliri nitong mai
Napangiti naman nang bahagya si Craige at nagsalita.“Hindi naman kailangang magmadali.”Nanigas si Jessica.'Ano ang ibig niyang sabihin sa ‘hindi kailangang magmadali’?' aniya sa kanyang isipan.Napalingon siya sa labas ng bintana. Doon lamang niya napansin na hindi 'yon ang daan pauwi sa kanilang bahay. Buong maghapon na siyang hindi pinakawalan ni Craige, at ngayong gabi, tila wala pa rin itong balak na pauwiin siya.“Mr. Montero, saan mo po ako dadalhin? Gusto ko nang umuwi.”Lumingon si Craige sa kanya. May bahid ng aliw ang kanyang mga mata habang nakatitig dito.“Bakit ka ba nagmamadali? Natatakot ka bang kainin kita?”“Mr. Montero, nagbibiro ka lang. Ang isang kagalang-galang na lalaking tulad mo. siguradong hindi mo naman ako kakainin, hindi ba?”Sinadya niyang bolahin ito upang mapawi ang tensyon. Ngunit hindi man lamang natinag si Craige. Bahagya lamang itong ngumiti bago sumagot.“Depende kung magiging masunurin ka.”Napakagat-labi na lamang si Jessica. Wala na
Ibinaba ni Craige ang kanyang ulo at marahang hinalikan si Jessica sa labi nito.Dahil sa halik na iyon, tila nawalan ng ulirat si Jessica. Sinubukan niya itong itulak palayo, ngunit mabilis na hinawakan ni Craige ang kanyang pulsuhan at mas pinalalim pa ang kanilang halik.Patuloy na umaandar ang pelikula sa likuran nila. Sa malaking screen, umabot na ang magkasintahang bida sa pinakamasidhing yugto ng kanilang pag-iibigan. Kasabay nito, hinalikan siya ni Craige nang may parehong init at pananabik, na para bang isa siyang matamis na panghimagas na nais nitong angkinin nang buo.Hindi nagtagal, dahan-dahang dumulas ang mga labi ni Craige mula sa kanyang mga labi patungo sa namumula niyang pisngi, bago marahang humalik sa kanyang malambot at mabangong buhok.Unti-unting nanghina ang buong katawan ni Jessica. Hindi niya akalaing ang una nilang movie date ay hahantong sa ganito. Sinubukan niyang itulak ito palayo.“Craige, huwag kang magbiro. Nasa sinehan tayo.”Marahan namang dumam
“Subuan mo ako.”Mabuti na lamang at madilim ang loob ng sinehan. Kung hindi, sigurado na mapapansin ni Craige kung gaano kapula ang mukha ni Jessica.Maingat niyang dinampot ang isang piraso ng popcorn gamit ang kanyang mapuputi at payat na mga daliri, saka iyon inilapit sa labi ni Craige.“Heto.”Binuka ni Craige ang kanyang bibig at kinain ang popcorn. Ngunit nang aalisin na sana ni Jessica ang kanyang kamay, marahan nitong kinagat ang dulo ng kanyang daliri.Dahil sa biglaan at napakalapit na kilos na iyon, bahagyang nanginig ang mahahabang pilikmata ni Jessica. Unti-unting kumalat ang pamumula sa kanyang mga pisngi hanggang sa kanyang mapuputing tainga.“Ano ba ang ginagawa mo?” mahina niyang saway. “Nagsisimula na ang palabas.”Mabilis niyang binawi ang kanyang kamay at umayos ng upo, pilit na ibinaling ang kanyang atensyon sa malaking screen.Nang makita ni Craige ang reaksyon niya, bahagya itong napangiti.Nagsimula na ang pelikula.Isa itong romance movie na may gwap
Sa isip ni Jessica, si Craige ba talaga ang naghihintay sa kanya? Ang taong gusto nitong makasama sa hapunan sa Italian restaurant kagabi ay siya?Dahil diyan, natigilan si Jessica. Bigla niyang naalala ang nangyari kagabi. Pagkauwi ni Craige, galit na galit ito. Wala man lang itong sinabi at agad siyang itinulak pabagsak sa kama upang parusahan.'Posible bang, napagkamalan nito si Ericka na ako? Paano mangyayari 'yon? Ibig bang sabihin, hindi ako kinamumuhian ni Craige?' ani Jessica sa sarili.Kung tutuusin, siya ang malamig na nakipaghiwalay rito noon. Kaya sa loob ng mahabang panahon, naniwala siyang galit sa kanya si Craige at hindi na siya nito kayang patawarin.Marahan namang itinaas ni Craige ang kanyang ulo at tumingin sa kanya.“Ano ang gusto mong kainin?”“Ikaw na ang bahala,” mahina niyang sagot.Tahimik naman na umorder si Craige ng ilang putahe.“Sige po, Mr. Montero. Sandali lamang po.”Magalang na yumuko ang manager bago umalis. Pagkaalis nito, muling bumaling s
Ngunit walang sumagot sa kanyang pagtawag. Walang Shawn na tumugon.Si Wilbert naman ay nasa labas pa, inihahatid ang mga bisita nila. Nakangiti siya nang may paghingi ng paumanhin ang nakabalot sa kanyang mukha, habang tinutulungan niya sina Mr. Catacutan at Mr. Lopez na sumakay sa kanilang mga sas
Hindi na makapaghintay si Jessica kay Raven, kaya nagpasya siyang hanapin ito mismo. Hindi mahalaga kung hindi siya pupuntahan ni Raven dahil maaari siyang kumilos nang kusa.Pumunta siya sa casino at hinarang ang isa sa mga tauhan para tanungin ito.“Excuse me, pwede ko bang itanong kung narito s
Tuluyan nang na-speechless si Roberto. Nanatili lamang siyang tahimik, tila hindi alam kung paano tutugon.Bahagyang nainis si Maxine. Ngayon lamang niya lubos na napagtanto kung gaano kaliit ang pasensya ni Shawn, na kahit sa ganitong sandali ay nangingibabaw pa rin ang kanyang pagseselos.Tuming
Tumingin si Shawn kay Roberto at mariing nagsalita.“Uncle Roberto, uulitin ko. Hindi ko papakasalan ang anak ninyo na si Monica. Ang taong mahal ko ay si Maxine.”Agad na napuno ng sakit at hinanakit ang mukha ni Monica nang marinig 'yon.“Shawn!”Bigla namang hinila ni Shawn si Maxine, tuluyan


![Just One Night [Tagalog]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




