LOGINInilagay ko ang hawak kong mangkok sa counter at hinarap ang bagong lutong Sinigang. Ang mga dahon ng kangkong ay nananatiling matingkad ang pagkaberde, ang mga talong at labanos ay may sapat na lambot ngunit hindi lasog, at ang karne ng baboy ay halatang natanggalan na ng tigas dahil sa tamang oras ng pagpapakulo. “Ang galing mo, Assistant Lucas,” panunukso ko sabay tapik sa kaniyang balikat. “Puwede ka nang mag-apply na sous chef sa mga karinderya sa amin. May potential ka.” Natawa siya, isang mababa at malat na tunog na palaging nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Ipinasok niya ang kaniyang mga kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon at sumandal muli sa counter, tinititigan ako nang may halo-halong paghanga at lambing. “I had a great teacher, Chef Anya. Although, I think I’d rather be your personal chef than work anywhere else.” Naramdaman ko ang biglang pag-akyat ng init sa aking mga pisngi. Ang lalaking ito talaga, walang palya kung bumanat. Pag ikaw, sinunggaban ko dyan! Upang ita
Ang kusina ni Lucas ay parang eksena sa isang high-end interior design magazine, lahat gawa sa makintab na stainless steel, at ang mga appliances ay mukhang digital na baka mas matalino pa sa akin. Pero sa kabila ng karangyaan nito, halatang bihira itong magamit para sa totoong pagluluto. Kulang sa amoy ng bawang, walang bahid ng mantika, at walang buhay. Ngayong araw, babaguhin ko ’yon.“First rule of the kitchen, Assistant Lucas,” sabi ko sabay turo sa sink. “Maghugas ng kamay. At pagkatapos, hugasan mo rin lahat ng gulay na gagamitin natin. Kailangang malinis ang pagkain natin.”“Yes, Chef,” seryoso niyang sagot. Hinubad niya ang kaniyang mamahaling wristwatch at hinugasan ang kamay. Kahit simpleng paghuhugas lang ng kamay, mukha pa rin siyang commercial ng sabon.Habang naghuhugas siya, inihanda ko naman ang malaking cutting board at isang matalas na kutsilyo. Inilabas ko rin ang karne ng baboy na binili namin.“Lucas, pagkatapos mo riyan, kunin mo ’yung labanos at talong. Tuturua
"Dapat matuto ka rin, paano kung nagkasakit ako tapos hindi ka masamahan sa grocery?” Sibangot ko sa kanya. “Don't get sick. You need to take care of your body.” Sabi niya sabay akbay sa akin. “Oo, inaalangan ko naman ang sarili ko. Basta, tuturuan kita pumili ng gulay. Making ka.” Napadaan kami sa mga bawang at sibuyas kaya kinuha ko ang isang plastic ng bawang at ipinakita sa kaniya. "O, tingnan mo 'to. Dapat ganito ang pinipiling bawang, matigas pa at buo. Huwag mong kukunin 'yung medyo malambot na, ibig sabihin niyan malapit nang mabulok." Seryoso namang tumango si Lucas, tila ba isa itong napakahalagang business proposal na kailangan niyang kabisaduhin para sa susunod niyang board meeting. Kinuha niya ang bawang sa kamay ko at maingat na inilagay sa cart, na parang isang mamahaling hiyas. "Noted, Chef Anya. What's next on the menu?" tanong niya na may kasamang pilyong ngiti. "Gusto kong ipagluto ka ng Sinigang na Baboy," wika ko habang naglalakad kami patungo sa meat section
Hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi gamit ang kaniyang malalaking palad, pinilit na iharap ang aking mukha sa kaniya. Ang init ng kaniyang balat ay unti-unting nagpabalik sa akin sa reyalidad. "Hey, look at me, Anya," bulong niya, ang kaniyang mga mata ay puno ng pag-aalala habang nakatitig nang diretso sa akin. "You don't need to stress yourself over this. You don't have to worry much, alright? No one else will know. Only he and I know about this leverage now. It's a closed-door secret between the two of us. He loves his reputation more than anything in this world, so he will stay in line. This secret is safe, and so are we." Hinalikan niya ang aking noo, isang matagal at mariing halik na tila ba sinisiguro sa akin na tapos na talaga ang pinakamahirap na bahagi ng laban. Ngunit kahit na sinasabi niya ang mga salitang iyon, hindi nakaligtas sa aking paningin ang lalim ng kaniyang bawat hininga. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang mga kamay at sumandal din sa sofa, ang k
Pagkasara na pagkasara ng pinto ng penthouse, tila doon lang ako tuluyang nakahinga nang malalim. Ang marangyang sala ni Lucas na may malalaking glass windows na nakaharap sa lungsod ay nagbigay sa akin ng pamilyar na pakiramdam ng seguridad. Pero sa kabila ng karangyaan ng paligid, ang pansin ko ay nanatiling nakapako sa lalaking kasama ko. Inilapag ko ang aking sapatos sa may sapatusan, malapit sa pinto at humarap sa kaniya. Si Lucas naman ay nagsimulang magtanggal ng kaniyang mamahaling wristwatch at bahagyang niluwagan ang butones ng kaniyang polo, halatang pagod na pagod mula sa kung anong gulo ang hinarap niya sa mansyon ng mga Villamor. "Lucas..." panimula ko, maingat ang tono ng aking boses habang pinagmamasdan ang seryoso niyang mukha at ang maliit na hiwa sa kaniyang panga. "Ayos naman na ang lahat, diba? Tapos na ba talaga ang gulo sa mansyon?" Huminto siya sa kaniyang ginagawa at tumingin sa akin. Ang kaniyang mga madidilim at malalalim na mata ay panandaliang lumambot
Hindi ko na nagawang sumagot sa kaniya sa pamamagitan ng salita. Bahala na kung mukha akong asong sabik na nakawala sa tali, at bahala na rin kung isipin ni Nathan na masyado akong PDA. Sa mga sandaling iyon, ang tanging alam ko lang ay kailangan kong maramdaman na totoo siya, na narito siya sa harap ko, ligtas, at hawak ko. Binitawan ko ang aking hawak na maliit na bag at agad akong tumakbo patungo sa kaniya. Parang bumagal ang ikot ng mundo habang binabaybay ko ang distansya sa pagitan naming dalawa. Nang makalapit ako, walang pag-aalinlangan kong isinubsob ang sarili ko sa kaniyang malapad na dibdib at ipinulupot ang aking mga braso sa kaniyang baywang. "Lucas!" bulalas ko, bahagyang nanginginig ang boses ko sa pinaghalong takot, pananabik, at labis na ginhawa. "Lucas... salamat sa diyos at okay ka lang. Sobrang nag-alala ako sa'yo! Akala ko kung ano nang nangyari sa'yo roon sa loob!" Naramdaman ko ang paninigas ng kaniyang katawan sa unang segundo ng bigla kong pagdamba, tila b
Matapos naming simutin ang huling butil ng sinangag at ang natitirang piraso ng crispy bacon, sabay kaming napa-unat ni Lucas. Pakiramdam ko ay nabuhay muli ang bawat selula sa aking katawan. Busog sa pagkain, busog din sa pagmamahal. Perfect combination! "Ako na magdadala niyan sa kusina," bolunt
Ang buong hapon ay dumaan na parang isang slow-motion na pelikula kung saan ang bida ay isang basahang pagod na pagod na sa buhay. Naglinis ako ng banyo, nagpunas ng mga bintanang wala namang alikabok, at nag-vacuum ng carpet na parang gusto ko na ring higupin ang sarili ko para maglaho na lang. Ba
Nakatulala ako sa labas ng bintana habang humaharurot ang SUV pauwi. Ang mga ilaw ng siyudad ay nagmimistulang mga bahid ng kulay sa paningin ko, parang watercolor na nabasa ng ulan. Kanina lang, ang ingay ko. Kanina lang, pakiramdam ko ang ganda-ganda ko dahil lang sa isang haplos ng daliri at isa
Dumating na ang araw ng Sabado, ang araw na itinakda ng tadhana para sa pagtatrabaho ko sa bar.Nagising ako nang mas maaga sa tilaok ng manok. Sakto namang paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Sir Lucas na pababa ng hagdan, bitbit ang kanyang briefcase at suot ang isang charcoal grey na suit na aka







