AFTER 3 MONTHS…“Jolie, be ready. Ngayon na ang araw ng launch mo.” masayang sabi ni Mama Jess habang inaayos ang laylayan ng damit niya. “Huwag kang kabahan, ha? Just be yourself.”Napakagat-labi si Jolie habang nakatitig sa sarili sa malaking salamin sa loob ng hotel suite.“Natatakot ako, Mama Jess…” mahina niyang amin.Agad siyang hinawakan nito sa balikat at ngumiti nang nakapagpapalubag-loob.“Don’t worry. They will love you.”Huminga siya nang malalim.Kasalukuyan silang nasa isang mamahaling hotel sa Maynila kung saan ginaganap ang grand artist launch ng bagong batch ng mga artista ng isang sikat na TV network. Abala sa paligid, may mga stylist na paikot-ikot, makeup artists na nagmamadali, photographers na sumusubok ng ilaw, at staff na walang tigil sa pag-uutos.Sa loob ng tatlong buwan, wala na siyang ibang ginawa kundi mag-training. Singing workshop, dance rehearsal, acting lessons.Ilang beses siyang napagod, umiyak nang palihim, at muntik nang sumuko. Ngunit tiniis niya
Read more