TIFFANY'S POVNamutla si Tiffany habang nakatitig kay Victor sa hindi kalayuan. Sa paanan nito ay si Jolie, nakahandusay sa malamig na sahig at wala pa ring malay.Nanigas ang buo niyang katawan. Hindi niya inakalang hahantong sa ganito ang lahat.Binalaan na siya noon ni Victor.... "Kapag hindi ka nagpakita, si Jolie at si Tyler ang pagbabayarin ko."At ngayon... Tinupad nito ang banta.Naging malikot ang kanyang mga mata habang palihim na sinusuri ang paligid. Kung ganoon... alam na ba ni Tyler kung sino talaga si Victor? Alam na ba nitong... asawa ko ang lalaking ito?Hindi... hindi maaari. Hindi niya maaaring malaman ang katotohanan!Kapag nalaman ni Tyler na totoong kasal na sila ni Victor, tuluyan nang mawawala ang kahit katiting na pag-asang magkabalikan pa silang dalawa."Anong nangyari, Tiffany?" malamig na saad ni Victor habang nakangising nakatingin sa kanya. "Natameme ka na yata?"Napalunok siya. "Victor..." nanginginig ang boses niya. "A-anong ginagawa mo rito?"Mahinang
Read more