Napuno ng pagtataka ang mukha ni Jolie. Remote?... Si Tyler ang may hawak ng remote? Paano napunta sa kanya iyon?At kung nasa kanya ang remote... bakit niya hinayaang umabot sa puntong mapanood ng lahat ang video? What the hell is happening?Unti-unting nanlisik ang kanyang mga mata. Saglit siyang humakbang palayo, balak sana niyang komprontahin si Tyler pero mabilis nitong hinawakan ang kanyang pulsuhan."I said relax, love."Mahigpit ngunit mahinahon ang boses nito. Pagkatapos ay dire-diretso itong lumapit sa gitna ng entablado, kinuha nito ang mikropono mula sa host na hanggang ngayon ay tulala pa rin sa nangyari.Humarap si Tyler sa daan-daang bisita at ngumiti."Alright..." Mahinahon nitong inayos ang mikropono. "The video's finished."Huminto ito sandali bago muling ngumisi. "Did you guys enjoy the show?"Tahimik, walang sumagot. Ang ilan ay napayuko, ang iba nama'y unti-unting ibinaba ang kanilang mga cellphone matapos ihinto ang pagre-record. Halos lahat ay naghihintay sa sus
Magbasa pa