"Sofia!" Nagulat man, ay hindi nagpahalata si Catherine. "Hush! Huwag kang maingay. Ang lakas ng boses mo, may pagka-Bobita ka talaga, eh noh," sita nito agad. "How is everything? Pasensya ka na, alam ko na nahihirapan ka diyan, pero konting pasensya. Kung anuman ang mga sinasabi sa'yo ni Andrew, ipasok mo sa tenga mo at ilabas sa kabila, ganoon," bilin nito. "Okay naman dito, kaya pa naman," ewan ni Catherine, pero hindi niya magawang magsumbong dito ng lahat ng emotional turmoil niya. Kilala kase niya ito .Siya lang din ang sisisihin at huhusgahan pa siya nito. "Kailan ka ba babalik?" Wala na tanong si Catherine. "Diba nga I told you, give me four months. Wala pa nga dalawang buwan diyan eh atat ka na," sabi ni Sofia. "Hindi mo ba magagawang mas mabilis pa sa four months? Pwede ba akong tumawag sa inang ko?" tanong ni Catherine. "Hindi pa, gaga, sabi ko, di ba nakakontrata ka. Don't worry, nagpadala ako ng pera doon, medyo sakto yun para sa anihan," sabi ng kausap ni Catherine
Read more