Sa kusina, pinilit ni Catherine na pasiglahin ang sarili at kalimutan ang nakita. Total, isang buwan na lamang ay tapos na ang paghihirap niya. Binagalan ni Catherine ang pagkain ng cup noodle na paborito niya.Ni-request niya ito noong minsan mag-grocery si Nanay Mila at masaya siyang naalala pala ng matanda. Matapos maubos ang cupped noodles, naisipan ni Catherine na gumawa ng ham with egg sandwich at para mas matagal ay ginawan niya ng lahat ng katulong. Nag enjoy si Catherine na panuorin na kumain si Betty na matakaw pala sa egg sandwich. "Naku, buti ka pa, Senyorita Sofia, mabait at down-to-earth, samantalang yung kasama ni Senyorito Andrew sa labas ay masungit na matapobre pa," sabi ni Betty. "Psst! Betty, ang bibig mo. Baka marinig ka ni Andrew. Di ba kakasermon lang sa atin," saway ni Nanay Mila. "Iha, ang mabuti pa ay umakyat ka na sa silid nyo. Baka abutan ka ni Andrew dito pag-uwi ni Senyorita Bernadette. Mapagalitan ka na naman. Ako ng magliligpit ng mga ginamit mo sige
อ่านเพิ่มเติม