“Wife? Neknek niya. Kabanas din tong si Holden, e. Ano bang ginagawa niya sa ‘kin? Nakakabaliw ang lalaking ‘yon.” Reklamo niya pagkababang pagkababa niya ng kotse nito.Bago paman umandar paalis ang kotse ng asawa niya ay ibinaba nito ang bintana ng kanyang kotse saka siya nagsalita, “Don’t do things that you’d later regret, Solene. Dala mo pa rin ang apelyido ko.” Bilin nito saka niya pinakaripas ng takbo ang kanyang mamahaling kotse.Solene breathed in and out. Ba’t kapag si Holden ang nagsasalita ay tagos hanggang buto ang kaba niya? Dahil ba alam niyang hindi ito kung sino lang?Hindi na muna niya inisip si Holden nang makarating kina Eloise. Kilala na siya nung mga guards kaya agad siyang pinapasok ng mga ito. Hindi matapobre ang pamilya nina Eloise at sa katunayan, masaya ang mga ito na naging magkaibigan sila. Welcome na welcome siya sa bahay ng mga ito. Their house is big. Mayaman din ang angkan nila Eloise.“Girl! My goodness, buti dumating ka na. kanina ka pa hinahanap ng p
Read more