登入“K-Kasal ako! H-Hindi ako pwedeng ibenta ng tatay ko! H-Hindi mo gugustohing malaman ang pangalan ng asawa ko dahil malalagot ka!” Pagbabanta pa ni Solene kahit na nauutal na ito. ~ Si Solene Jimenez ay isang twenty-year old College student. Pumapasok ng iba't-ibang part time jobs para tustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya habang nag-aaral sa isang sikat na unibersidad. Ipinakasal siya sa isang bilyonaryo upang tuparin ang hiling ng Mama niya at ng matanda niyang kaibigang mayaman na pakasalan ang apo nito. Ngunit kahit isang beses ay hindi niya pa man din nakikita. Ano kaya ang mangyayari sa buhay niya kapag nagkita sila sa unang pagkakataon? Will the billionaire keep their marriage o hihiwalayan siya nito nang tuluyan?
查看更多Dahan-dahang iminulat ni Solene ang kanyang mga mata. Tila napakabigat ng talukap niyon pero unti-unti niya itong dinilat para mailibot ang paningin sa buong kwarto. Puti at kahoy ang kombinasyon ng lugar. Mukhang mamahalin. Pero pakiramdam niya ay napakabigat ng katawan niya. Napatingin siya sa kanyang kanan. Doon ay bigla siyang kinabahan. May katabi siyang lalaki. Lalaking hindi niya kilala.
Nag-vibrate ang phone ng lalaking katabi niya kaya naman mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ng dalagang si Solene. Gusto na niyang umalis sa lugar na ito at tumakas. But she can’t do that now. Ano bang ginawa niya? Ganon na ba siya kapusok kagabi para mahantong siya sa ganito? How can she sleep with a stranger? Hindi naman siya pinalaking ganito ng mga magulang niya.
Sinagot ng lalaki ang tawag kaya tumigil na ito sa pag-ring.“Yes?” wika nito sa kabilang linya.
“Hmm, mukhang kagigising mo lang, Dude. Nakadali ka na naman ba ng babae kagabi? Ano? Sexy ba at balingkinitan ang katawan?” mapanuksong wika nito.
Napatingin si Holden sa babaeng nakahiga katabi niya. Ramdam niya pa rin sa mga palad niya kung gaano kanipis at kalambot ang bewang nito kagabi. “Shut up, Stefano.” Awat niya sa kaibigan. “Anyway, kalian ba ang get together natin? When are you free? Hirap talaga kaya big time ang barkada. Hindi mahagilap.” Pag-iiba ng topic ni Stefano sabay biro pa. Matagal na niya itong kaibigan si Stefano. Stefano is a doctor. Halos lahat na yata ng bagay tungkol sa buhay ni Holden ay alam na nito. “I’ll be free in the next days to come. I’ll message you.” “Okay! Bakit hindi mo kaya yayain ang asawa mo? Dalhin mo naman nang makilala ng lahat. You know, the one that you married a year ago?” nakangisi pa nitong wika sa kabilang linya thinking that his friend will like his idea. Agad na nag-iba ang timpla ng mukha ng binata. Hindi siya natutuwa na marinig ang sinabi ng kaibigan niya. Ni hindi pa nga siya nagsasawa sa pagiging binata niya. Being tagged as married is a big no for him. If it weren’t for his Grandma ay hinding-hindi siya magpapakasal sa kung sinong cheap na babae lang. He doesn’t like marriages though. “No need. She won’t be called my wife soon. Hihiwalayan ko na kung sino man ang babaeng iyon. Dahil lang naman kay Grandma kaya ko siya pinakasalan. Glad she's at peace now at mas nagiging malakas pa siya araw-araw.” Tila nagulat naman si Stefano sa sinabi nito at napakunot noo pa. “What? So hihiwalayan mo nga siya? Paano kung hindi siya pumayag? O ang Grandma mo? Anong plano mo sa kanya?” “As if may magagawa siya? I am Holden Anderson, Stefano. I have my ways. By hook or by crook. Tss. Isa pa, papayag siya kung ayaw niyang magkaroon siya ng problema. If you're thinking about Grandma, ako na lang ang bahalang magpaliwanag sa kanya.” “Ang tindi mo talaga, Dude. Hindi bale, kung kailangan mo ng prescription diyan sa ka-bitter-an mo, daan ka lang sa hospital. Sige ka, baka hindi ka na makahanap ng babaeng totoo mong mamahalin dahil diyan.” Pagbibiro pa nito. “Baka gusto mong ma-confine sa sarili mong hospital ngayon na? Parang ang dami mong oras?” Pagbabanta pa ni Holden. “Ito naman. Nagbibiro lang, e. Sige na. I’ll hang up. Busy pala ako dito sa hospital. Ciao!” The call ended. Simple lamang na niyakap ni Solene ang katawan niya habang mariing nakapikit sa ilalim ng kumot. Naririnig niya ang mga yabag ng paa ng binata na papalapit sa kanya. Tinapunan lang siya ng tingin nito dahil inaakala nitong natutulog pa rin si Solene. She heard him tss saka ito pumasok sa banyo para mag-shower. Pakiramdam ni Solene ay namaga ang buo niyang katawan sa sakit niyon. Nagugunita niya pa sa alaala niya kung gaano siyang naging kamapusok kagabi. Bawat ulos ng lalaking katabi niya ay siya ring sinasabayan ng kanyang katawan. Ramdam niya na parang napunit ang ibabang bahagi niya matapos ang mainit na pagsasalo kasama ang isang estranghero kagabi. Nananakit ang buo niyang katawan. Nanunuyo ang kanyang lalamunan. Marahan ang bawat naging kilos niya. Inilibot niya ang paningin sa magarang hotel kung nasaan siya ngayon nang bigla niyang maramdaman ang lamig na tila nanuot sa buo niyang katawan. Hubo’t hubad lamang siya. Nanigas siya bigla nang maramdaman ang presensya ng lalaking kasama niya. Doon ay tila namutla siya. Naalala niyang bigla ang asawa niya na pinakasalan niya isang taon na ang nakalilipas. Ano bang pinasok mong ito, Solene? Nakakahiya ka! Aniya sa isipan. Biglang nakaramdam ng awa si Solene para sa asawa nung lalaki. Kung sino man ito, sobrang lungkot siguro niyon kapag nalaman niyang makikipaghiwalay na sa kanya ang asawa niya. At talaga namang sinuko niya ang sarili niya sa kung sino-sino lang? Feeling niya ay napakadumi niyang babae. Nang maramdamang tuluyan nang nakapasok sa banyo ang lalaki ay agad na nagmamadaling pinagdadampot ni Solene ang damit niya saka iyon sinuot. Nilisan niya ang lugar na iyon. Pumara siya ng taxi. Tila traumatic pa rin sa kanya ang mga narinig niya. Until everything flashed into her memory. Kung paano at kailan nagsimula ang lahat. Kung hindi dahil sa Mama niya ay hindi naman sana siya magpapakasal agad. Pero iyon ang huling kahilingan ng Mama niya sa kanya. Na makapag-asawa siya nang hindi ito mag-isa lalo pa at mahina na ang Mama niya. May mga bagay na hindi na nito magagawa pa para kay Solene.Bawat hakabang ni Solene papalabas sa mansiyon nina Eloise ay puno ng kaba. Ini-imagine na kasi niya kung gaanong nakakatakot ang mukha ni Holden kapag nakita niya ito. Hindi naman siguro nito malalaman ang nangyari kagabi ‘di ba?Pagkalabas na pagkalabas niya ng gate ay agad niyang namukhaan ang kotse ni Holden. Kumikinang kinang pa talaga iyon dahil sa sinag ng araw, Kagat-labi siyang lumapit dito saka kumatok sa kotse ng asawa.Binaba muna ni Holden ang bintana ng kotse niya saka niya matalim na tiningnan ang kanyang asawa. “Hindi ka pa ba papasok? Do you still expect me to open the door for you?” sarkastiko nitong wika.Napasimangot si Solene saka bagsak ang balikat na binuksan ang pinto ng passenger seat para makapasok na siya sa loob.“Good morni---” Putol na bati ni Solene nang biglang magsalita si Holden.“There’s nothing good in my morning, Solene. Pwede ba? Who the hell answered your f*cking phone when I called you? At bakit hindi ikaw ang sumagot ng tawag? Didn’t you know t
“Good morning, my dear friend! At bakit nawala ka na naman na parang bula kagabi? Hindi ka na nag-dinner! Saan ka na naman nagsuot?” may paghihinalang tanong ni Eloise sa kaibigan niya na tila ba nag-iimbestiga ito. Dinaig niya pa ang soco.“Hindi mo paniniwalaan ang nangyari! Nakakahiya talaga! Gusto ko na lang magpalamon sa lupa!” ani Solene habang namumula pa ang mga pisngi. Inaalala niya ang nangyari kagabi. Nagkatabi sila ni Vlad. Naabutan sila ng kapatid nito. Sobrang nakakahiya!“Ano na naman ba iyan?” Pag-uusisa naman ni Eloise.“Nalasing ako sa cocktail kagabi. Ang sasarap kasi. Kaso may alcohol pala. Ang dami ko pa namang ininom.” Pagkukuwento naman ni Solene.“And?”“Naghanap ako ng kwartong matutuluyan para mahiga kasi pakiramdam ko umiikot ang bahay niyo! Nakakainis. Paggising ko ng madaling araw, katabi ko na si Vlad!” halos pabulos na sambit ni Solene pero dama ng kaibigan ang diin sa mga salitang binibitawan nito.“What the heck! Baka ‘yung kwartong pinasukan mo ay an
“Wife? Neknek niya. Kabanas din tong si Holden, e. Ano bang ginagawa niya sa ‘kin? Nakakabaliw ang lalaking ‘yon.” Reklamo niya pagkababang pagkababa niya ng kotse nito.Bago paman umandar paalis ang kotse ng asawa niya ay ibinaba nito ang bintana ng kanyang kotse saka siya nagsalita, “Don’t do things that you’d later regret, Solene. Dala mo pa rin ang apelyido ko.” Bilin nito saka niya pinakaripas ng takbo ang kanyang mamahaling kotse.Solene breathed in and out. Ba’t kapag si Holden ang nagsasalita ay tagos hanggang buto ang kaba niya? Dahil ba alam niyang hindi ito kung sino lang?Hindi na muna niya inisip si Holden nang makarating kina Eloise. Kilala na siya nung mga guards kaya agad siyang pinapasok ng mga ito. Hindi matapobre ang pamilya nina Eloise at sa katunayan, masaya ang mga ito na naging magkaibigan sila. Welcome na welcome siya sa bahay ng mga ito. Their house is big. Mayaman din ang angkan nila Eloise.“Girl! My goodness, buti dumating ka na. kanina ka pa hinahanap ng p
Napatigil si Solene sa ginagawan niyang paghuhubad nang mapansing natameme si Holden. Palagay niya kasi ay nakatitig ito sa kanya. She is still innocent about a lot of things pero ewan niya ba, pakiramdam niya ay nasanay na siya sa asawa niya.Humarap siya sa kanyang asawa. Nakatitig ito sa kanya pero bigla nitong iniwas ang kanyang tingin. Natawa siya sa isipan niya. Bakit siya namumula at umiiwas? Sinasabi ko na nga ba, may epekto pa rin ako sa kanya. He’s still that typical man. Tsk. Palibhasa, madaming pera. I wonder kung ilang babae na ang nakatabi niya sa kama? Aniya sa isipan.“Tititigan mo na lang ba ako d’yan??”Holden cleared his throat and awkwardly looked at her. “D-Do you expect something from me?”Napataas ang kilay ni Solene. “Of course! I am naked now, Holden. Ano bang dapat mong gawin?” paghahamon nito making him think the other way around.Tila namungay ang mga mata ni Holden at agad siyang sinunggaban ng halik. It was fiery hot! Hindi nakaiwas si Solene. She was smil
Higit-higit ni Holden ang kamay ni Solene habang nagmamadali itong naglakad papuntang parking lot. He’s on serious mode at the moment. The thought of Vlad being with Solene makes him mad. Bakit tila lumiliit ang mundo? Now that Vlad knows he knows Solene, mas maghihinala iyon. Knowing, he knows that
Natatarantang napabalikwas ng bangon si Solene. Muntik na niyang makalimutang mag-isa ang nanay niya sa hospital. Kailangan na niya itong dalawin. Masyado siyang na-busy nung family dinner. Alam naman niya na bumubuti na ang lagay ng nanay niya pero kailangan pa rin nitong matutukan. Iyon pa nga an
“Perfect!” tanging naibulalas ng make-up artis na binayaran ni Holden para ayusan ang kanyang asawa sa dinner na ‘to. Hindi naman na-inform si Solene na may pa-ganito pa pala kahit simpleng dinner lang. Siguro ganon na lamang talaga ang takot ni Holden na humarap itong hindi presentable sa harap n
Habang nasa biyahe ay tahimik ang dalawa. Kanina pa binubulabog si Solene sa isipan niya ng mga katagang binitawan sa kanya ni Holden. Hindi niya maatim na makarinig mula sa lalaking ito na malandi siya. Hindi siya ganoong klase ng babae.“Kung tungkol sa pagiging malapit ko kay Kuya Jake. Sa tingin






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.