Hakuna Miran’s Point of View. Makalipas ang dalawang linggo ay nakauwi na si mama sa bahay, masaya akong okay na siya at gamutan na lang ang kailangan niya. Habang nasa trabaho pa si Tito Jubal ay tinulungan ko si mama na ayusin ang mga gamot niya. "Mama, yung totoo ko po na papa.. buhay po siya?" Nahihiya kong tanong, natigilan si mama at tinitigan ako bago siya tumango. "Mama, paano kayo nagkakilala?" Sana ay sumagot siya, ayaw niya kasing napag-uusapan si papa. "Magkaklase kami ng papa mo anak, mula high school hanggang college pero hindi ako nakapagtapos ng college kasi nabuntis ako." Matipid na ngumiti si mama kaya naman nanatili akong nakatitig sa kaniya. "Mama, alam mo ba kung nasaan si papa ngayon?" Napatitig siya sa akin bago siya dahan dahan na umiling. "Mama, kwentuhan mo naman ako tungkol sa inyo. Tungkol sa'yo ng kabataan mo." I was so invested, I wanted to know kung sino ang papa ko. "Hmm bakit naman anak?" Tanong ni mama. "Mula kasi noon mama, wala akong alam sa
Read more