Hakuna Miran's Point of View. Napatitig ako sa mukha niya, hindi ko maiiwas ang tingin dahil ngayon ay kitang kita ko ang emosyon niya. "B-Bakit?" Kinakabahan kong tanong, ang titig niya ay tumalim at hindi ko alam ang isasagot. "W-Why do you h-hate me? M-Masyado ba akong pakialamera b-bilang kaibigan?" Ang tibok ng puso ko ay hindi normal, masyado akong kinakabahan sa presensya niya ngayon. Naninibago ako. "Laze.." Mahinang tawag ko sa pangalan niya, huminga siya ng malalim at humakbang paatras ng mga dalawang beses at nasapo ang kaniyang noo. "W-Why do you have to be her friend? W-Why does it have to be you, why does she need to go back at this time?" Nagulat ako sa sinabi niya, ngunit hindi ko siya maintindihan, hindi ko malaman kung saan siya nanggagaling. "Laze ano bang sinasabi mo?" Kwestyon ko, nag-aalala. "M-May problema ka ba? N-Naguguluhan ka ba saan? I'll help you sort it out." Umayos ako ng tayo at hinawakan siya sa braso upang pakalmahin pero hinawakan niya ang kama
Leer más