Kinagabihan, dumating si Rowena kaya't labis ang saya ko."Insan," sambit niya at niyakap ako nang mahigpit. "Kumusta ka?""Okay naman. K-Kasama ko nga pala si Julian," sabi ko kaagad sa kaniya para hindi siya agad makapagbitiw ng salita."T-Talaga?" tanong niya naman sa 'kin kaya tumango ako. Ilang sandali lang nang makabalik na si Julian sa kwarto kaya't nakita siya ni Rowena."Julian, si Rowena, pinsan ko," pakilala ko sa kaniya."It's nice to meet you, Rowena," bati ni Julian kaya't nangiti lang naman ang pinsan ko sa kaniya. Matapos umalis ni Julian ay saka naman ako hinila ni Rowena palabas ng kwarto."Bakit?" nagtataka kong tanong."Bakit gano'n 'yon? Hindi maganda image no'n sa 'kin, ah?" kunot-noong tanong ni Rowena sa 'kin."M-Mahabang istorya, e, pero tuloy pa rin naman ang paghihiwalay namin," sagot ko."E bakit siya nandito, kung gano'n?" tanong muli ni Rowena. NAgbuga ako ng isang malalim na paghinga."Hindi ko alam. Basta ang sabi lang niya, gusto niya akong tulungan.
Read more