Nagising si Cynthia na mabigat ang pakiramdam. Pagtingin niya sa paligid ay puro puti. Inaasahan na niya iyon kaya agad siyang pumikit muli at hinanap ang taong gustong makita. "Terence" "Hijo, gising na ang anak ko!" Natutuwang tawag ni Dory sa binata at hinaplos ang pisngi nito. "Anak, mommy is here. Kumusta ang pakiramdam mo?""Where's Terence?" Nanghihinang tanong niya sa ina habang nanatiling nakapikit ang mga mata.Nalungkot si Diry at iba ang sagot ng anak. Parang wala ng ibang mahalaga dito kundi si Terence lang.Mukhang napilitang humakbang si Terence palapit sa dalaga. "I'm here, kumusta ang pakiramdam mo?" Pormal na tanong ni Terence sa dalaga.Naluluha na nagmulat ng mga mata si Cynthia at itinaas ang kamay na may nakakabit na dextrose upang abutin ang binata.Napabuntong hininga si Terence saka inabot ang kamay ng dalaga. Pagtingin niya sa orasang suot ay alas singko na ng hapon."Terence, thank you for coming here. Biglang lumakas ang pakiramdam ko dahil narito ka kaya
Read more