"Papatayin kitang hayop kang malandi ka!" Naghistirika na si Cynthia at nangangati ang mga kamay na mapaputok ang hawak na baril. Ngunit hindi magawa dahil nagtatago ang babae sa likod ni Terence. "Terence, baka mapahamak ka. Hayaan mo na akong harapin siya." Natatakot na kausap ni Charlene sa nobyo habang mahipit na nakahawak sa braso nito."No, stay away from her." Matigas na turan ni Terence at hindi hinihiwalay ang tingin kay Cynthia. Nang makita ang ama na nasa bungad na nang pinto at nagsenyasan sila gamit lang ang tingin. Pinarating ng tingin ni Cyril sa anak na libangin si Cynthia upang hindi siya mapansin na maka lapit dito at maagawa ang hawak na baril."Cynthia, " tawag ni Terence sa babae nang mangunot ang noo nito. "Mahal mo ba talaga ako?"Nagulat si Cynthia sa biglang bago ng tono ni Terence at hindi inaasahan ang ganoong tanong mula rito. "Hindi tayo hahantong sa ganito kung hindi kita mahal na mahal!""Hayaan mong makaalis si Charlene at sasama ako sa iyo kung saan
Read more