"Ayaw ko rin kayong iwan sa bahay na iyon at nag alala ako kaya sumama na kayo, ok?" Pangungumbinsi ni Terence sa dalaga."Ok, pero hindi kami doon matulog." Nakangiting itinaas ni Terence ang kamay ng dalaga at hinalikan ang likod ng palad nito. "Ok, kung saan mo gusto ay doon din ako."Hindi na siya nagsalita muli at hindi maiwasang mag isip ng negative sa pagharap sa pamilya ng binata. Tinawagan pa nito ang ina upang ipaalam na kasama siya nito at doon sila maghahapunan. Pero dadaan muna sila sa inuupahan niyang bahay upang makapag palit ng damit si Jessy. Kailangan niya ring magpalit ng mas presentable dahil nakakahiyang humarap sa pamilya ng binata na hindi nakaayos...."Dumating na ba sila?" tanong ni Trisha sa dalagang anak habang inaalis ang suot na apron. Nang malaman na darating sina Charlene ay personal niyang inasikaso ang pagkain sa kusina at nagluto ng special recipe niya upang ipa tikim sa dalaga at anak nito."Malapit na po, mom." Sagot ni Akira sa ina habang inaayos
閱讀更多