"What's her name?" Ulit niya. Ngunit bago pa makasagot si Warren, nakita niyang wala na si Primo sa tabi ng kaniyang asawa. Ang kasama na nito, ang asawa ni Mike na si Keira, ang pamangkin niyang si Rome, si Maureen na pamangkin ni Warren, at si Patricia. At dahil wala ng Primo, madali na niyang mahihiram si Aya sa mga ito. Walang inaksayang sandali si Nick, tumayo na siya at mabilis na nagpaalam sa mga kaibigan na pupuntahan ang kaniyang asawa. Sa sobrang atat na masolo ang asawa, hindi na niya nakita ang pagpapalitan ng tingin nina Mike at Warren sa mesa kung saan niya iniwan ang dalawang kaibigan. ______ NAPAIKTAD SI Aya nang mapang-angking pumulupot sa beywang nito ang mga braso ni Nick mula sa likuran. "Hi, wife," anas niya sa may punong-tainga nito sabay dampi ng halik sa pisngi. Napangiti si Nick dahil sa iba't ibang reaksyon ng mga babaeng kasama ng kaniyang asawa. May nakangiti, may sumimangot at may napangiwi. "Nick, ano ka ba?" Tila nakikiliting tinampal ni
Magbasa pa