Xavier Iglesias"Emilio Mendoza," anas ko na agad niyang ikinangiti. "It's been…""Almost fifteen years," aniya at inilahad ang kanyang kamay. "High school to college years, I think. Hindi ko alam na muli tayong magkikita, dito rin mismo sa teritoryo ko."Tumango ako at nakipagkamay sa kanya. "This is one of your restaurants, if I'm not mistaken."Natawa siya at hindi kalaunan ay tinapunan ng tingin ang kanyang mga empleyado. Napangiti ang mga ito sa kanya at ganoon din siya rito."That's right." Baling niya sa akin. "Sinabi nila sa akin noong nakaraang linggo na merong gustong magpa-reserve ng restaurant. Nang marinig ko ang pangalan mo, pumayag kaagad ako. Kung ibang tao 'yon, malabo pa sa sikat ng araw na pumayag ako.""Why did you make an exception?" naniningkit ang mga mata kong anas."That's a good question," nakangisi niyang tugon. "Pero alam mo na siguro ang sagot sa tanong na 'yan."
Read more