MASAYANG magkayakap sina Xyza at Flint sa ibabaw ng kama sa kwarto ng binata. Doon nila napiling matulog ngayong gabi.“Alam mo, baby, natupad na rin ang matagal ko ng ipinagdarasal, ang magkaayos na tayo katulad nung dati,” sabi niya sa dalaga.“Ako rin naman, love. Kung alam mo lang, hindi naman talaga ganoon katigas ang loob, eh. Sadyang nasaktan lang talaga ako ng labis,” sagot nito.“Naisip ko, baka isa iyon sa mga pagsubok sa relasyon natin. Siguro, nangyari iyon para parehas tayong maging handa kung sakaling dumating man ang panahon na gusto na nating lumagay sa tahimik, katulad ngayon. Hinayaang mangyari ng Diyos ‘yon para parehas tayong hubugin, ako, para maging mas matatag bilang lalaki, at ikaw, para maabot mo ang pangarap mo,” pahayag niya. “Sa tingin mo, tama kaya ako?” tanong pa niya.“Oo, tama ka. Kasi tingnan mo, sa dinami-rami ng nangyari, nasaktan man tayo pareho, pero heto tayo, muling magkasama habang pinag-uusapan ang bubuuing pamilya,” nakangiting sagot nito.“Na
Read more