Napapangiting inangat ko ang isang kamay ko at hinawakan ang mukha nito para idaretso habang patuloy ang pag mamaneho ko. Hindi ko ininda ang pangangalay ng kamay kong nakaalalay sa pisngi nito. Naguguluhan na din ako sa nararamdaman ko, pero ngayon na solo lang kami ni Kiara, ay hinahayaan ko na lamang ang sarili kong magpa dala sa kung ano man gustong gawin ng utak at katawan ko sa dalaga.Makalipas ang ilang oras ay nakarating na din kami sa farm. Sakto namang dahan dahan na kumilos si Kiara kaya mabilis na tinanggal ko ang kamay kong naka suporta sa pisngi nito at minasahe iyon. Nang maialis ko ang kamay ko dito ay doon ko lamang naramdaman ang pangingimay nito.“Hmm, nasaan na po tayo?” Salita nito sabay hikab.Napangiti ako sa babae. Wala man lang ka poise poise itong dalagang ito. Samantalang ang mga babaeng nakakasalubong ko hindi magka mayaw paano magpapa cute sa harapan ko. Itong si Kiara? Mas gusto pa ata ng dalaga na ma ‘turn off’ ako sa kanya, bagay na hinihintay ko din m
Read more