[Warning: Matured Scenes!]DINALA AKO ni Xian sa lugar kung saan malapit ang dagat. Bukas na ang kaarawan ni Mama kaya bukas na rin kami makakaluwas. Mukhang may paparating na bagyo ngayon."Ma? Hindi po muna kami makakauwi agad ni Xian ngayon, baka bukas na ho. Sobrang lakas po kase ng ulan e. Opo, Sige po. Ingat din po kayo diyan.""Oh anong sabi ni Mama?" Tanong ni Xian."Mama ka diyan?" Masungit kong sabi."Bakit? Magiging Mama ko rin naman 'yong Mama mo ah? Not now but soon." Kompiyansang wika ni Xian."Wow naman ang taas ng confidence mo Mr. Pervert boss, hindi pa nga Tayo pero asawa na agad ang nasa isip mo?" Sarcastic kong sabi."Aba syempre kailangan 'yon! At saka may tiwala naman akong, ako ang magiging asawa mo at ikaw ang magiging Nanay ng mga magiging anak ko, este anak pala natin." Bawat bigkas niya ay mayroong diin."Kapal mo naman po." Sabay irap."Taray mo ngayon ah? parang kanina lang ang sweet sweet mo sa akin. Future Misis ko." Makahulugan niyang sabi sabay kindat
اقرأ المزيد