"Ang alin? Ang nabiting sandali para sa ating dalawa?" tumaas at bumaba pa ang mga kilay niya habang may mapanuksong ngiti.Sinamaan ko siya ng tingin para magtigil siya sa ginagawang panunukso."Ewan ko talaga sa'yo, bahala ka na nga diyan--""Biro lang misis ko. Heto na oh, ipapakilala ko na sa'yo ang mga babies ko," pamumutol niya sa sinasabi ko.Nailing na lang ako sa kaabnoyan ni Xian. Geez! Minsan talaga hindi ko maintindihan 'yong mood niya. Paiba-iba e,Kinuha niya ang pumangalawa sa Korovin TK ito 'yong lagi kong nakikita sa mga palabas e, ngayon ay mahahawakan ko na at magagamit balang-araw."Ito ang Tokarev 1930. Madalas ko itong gamitin para sa mga emergency," sabi niya habang ipinapakita ang baril. "At ito naman ang Nagant 1895."Ipinagpatuloy niya ang pagpapakita at pagpapakilala sa mga tinatawag niyang babies. Isa-isa niya akong pinaliwanagan tungkol sa mga ito at ipinakita rin kung paano ang tamang pagbaklas ng bawat baril. Sa kabutihang-palad, mabilis naman akong natu
Read more