"Saang banda?" tanong ko kay Marcus habang tumatakbonang pagkababa ko sa kotse."Three step," tumigil ako sa pagtakbo at sinunod ko 'yong sinabi ni Marcus. "Then turn left," kumaliwa naman ako. "Four step, may makikita kang malaking bato. Hinack ko na 'yong passcode para makapasok ka," mabilis kong ginawa ang paghakbang at tumambad sa akin ang malaking bato.Mabilis akong pumasok sa loob at bumungad sa akin ang hagdanan pababa na sobrang haba. Mabilis akong bumaba do'n, hanggang sa makarating ako sa pinaka-dulo.Nagulat ako nang makita ko si Wayne na nakaupo sa bato at nakadekwatro na parang may hinihintay."Kanina pa kita hinihintay," walang emosyong sabi niya.Kumunot agad ang noo ko sa pagtataka pero bago pa ako makapagtanong sa kaniya, kaagad naman niya akong sinagot."Mabilis ko lang na tapos 'yong dalawang piyesa at saktong dumating na rin sila Marcus para kunin sila Tita kaya agad kitang sinundan dito dahil alam kong kailangan mo ng tulong ko," ngumisi siya ng mapait. "At mukha
Read more