Mabilis akong kumilos at pinagdadampot ang mga sampay. Kumuha ako ng malaking basket at doon tinambak lahat. Bahala na kung magkakahawaan ng kulay. Ang importante, mawala na sila sa paningin ko.Halos mabasag na ang mga nakakalat kong baso sa sobrang pagmamadali kong mailagay ang mga ito sa aking kusina. Napapadyak na ako sa inis nang may nakita pa akong balat ng iba't ibang chichirya sa ilalim ng lamesa ko.Agad akong kumuha ng walis at saka ito mabilis na winalis. Nang masigurado kong malinis na ang sala, pagod akong napaupo sa maliit kong sofa.My heart was still pounding, and my face felt like it was on fire. Halos hindi na ako huminga kanina. Pumikit ako at pinakalma saglit ang kapaguran.Pagdilat ko ay muntik na akong makapagmura nang makita ko si Riel na nakatayo sa harap ko. Sa kakamadali ko kanina, nakalimutan kong nandito pa pala sya."So, you can be The Flash, huh?"His face was calm, but there was a glint of amusement in his eyes.I stood awkwardly, twisting the hem of my
Read more