Bumalik sa kasalukuyan ang isip ni Melissa. Napangiti siya nang bahagya habang inuubos ng alaala ang katahimikan sa pagitan nila. Parang ang tagal na noon, pero malinaw pa rin sa kanya ang lahat kung gaano sila kalapit ni Blane noong mga bata pa sila, kung gaano kadali noon na maging totoo lang sila sa isa’t isa. “You know what? Hindi ka pa rin pala talaga nagbago, no?” basag niya sa katahimikan, may bahid ng lambing sa boses. Tumingin siya sa basong hawak nito. Kanina pa nito iniikot-ikot ang yelo sa loob, parang may iniisip na hindi maipaliwanag. “Why do you say that?” curious na tanong ni Blane, hindi inaalis ang tingin sa kanya. “You’re still quiet and you like being alone,” sagot niya, bahagyang natawa. “Naalala ko noon, madalas kang mag-isa. Kaya palagi kitang sinasamahan.” Sandaling katahimikan pagkatapos ay tumingin ito diretso sa kanyang mga mata. “You know why I was always alone that time?” tanong nito, mababa ang boses. Natigilan siya, saka ngumiti nang kaun
Read more