"Please, find her, Blane..." pakiusap ni Melissa habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha nito. "Find Aliyah... please. Find our daughter." Natigilan si Blane. Our daughter, masaya siyang marinig iyon mula kay Melissa. Finally, tinanggap nito na kaya niyang magpaka-ama sa anak nito. Ngunit hindi iyon ang oras para pagtuunan niya ng pansin ang nararamdaman niya dahil sa mga sandaling ito, ang pinakamahalaga ay mahanap si Aliyah. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Melissa. "Look at me," mariin niyang sabi. Nangingilid pa rin ang mga luha nito nang tumingin sa kanya. "We will find her." Napakagat-labi ito tila pinipigilan ang sariling umiyak pa. "I promise you," dagdag pa niya. Pagkatapos ay humarap siya sa mga tauhan. "Spread out." Agad na tumuwid ang lahat. "Search every corner of this forest." "Yes, Sir!" "No one leaves until Aliyah is found." Sabay-sabay na tumango ang mga lalaki bago mabilis na nagkanya-kanyang direksyon. Ilang segundo pa a
Read more