MATALIM na tiningnan ni Grace si Iris. Pumunta siya sa harapan ni Leina para protektahan ang among babae. “Grace, lumabas ka na!” Taboy ni Iris. “Iris, hindi mo puwedeng bastusin si Ma’am Leina. Nakakalimutan mo atang asawa siya ng amo natin,” paalala ni Grace. Si Leina naman ay nasa likuran ni Grace. Pilit siyang pumupunta sa harapan para ipagtanggol ang sarili sa bababeng Iris na ito. Nang makita ni Leina ang ginagawang pagprotekta ni Grace, marahan niyang hinawakan ang balikat nito. "Grace, it's okay," mahinahon niyang sabi. "Pero, Ma'am..." nag-aalalang tugon ni Grace. Umiling si Leina at dahan-dahang lumabas mula sa likuran ng sekretarya. Tumayo siya sa harapan nito at tahimik na hinarap si Iris. "Kung may sasabihin ka sa akin, sabihin mo nang direkta," kalmadong wika ni Leina. "Hindi ko kailangan ng ibang tao para ipagtanggol ako." Napangisi si Iris. "Matapang ka rin pala." "Hindi ako matapang," sagot ni Leina. "Ayoko lang na nag-aaway ang mga tao dahil sa akin." Hu
Read more