LUCIUS POVAlas-otso pa lang ng umaga pero sementado na ang ingay sa sala. Karaniwan, ang naririning ko sa ganitong oras ay ang pag-usad ng mga forklift sa warehouse o ang talakayan nina Nico at Cardo tungkol sa krudo. Pero ngayong Sabado, iba ang bida sa Hub."Miko, sandali! Huwag mong isubo 'yang lens cap, madumi 'yan!" sigaw ni Nico mula sa alpombra.Kasunod nun ang mabilis na gapang ng aming siyam na buwang gulang na anak, bitbit sa kaniyang maliit na kamao ang takip ng camera ng kaniyang tito. Humalakhak si Miko, ang dalawang maliliit na ngipin sa ibaba ay kitang-kita habang mabilis na lumalayo kay Nico patungo sa direksyon ko.Binitawan ko muna ang aking tasa ng kape at sinalubong siya sa sahig. Binuhat ko siya nang mataas, na naging dahilan ng mas malakas niyang tawa. "O, nambubulabog ka na naman kay Tito Nico mo ah.""Kuya, seryoso, may radar 'yang anak mo sa mga mamahaling gamit," reklamo ni Nico habang nakaluhod pa rin, hinihingal nang konti. "Yung mga mamahaling laruan na b
Read more