"Lizza, this is Mrs. Emerald De Hizon. Gusto ko lang sanang malaman kung pumasok si Alec sa opisina ngayon. Nag-aalala kasi ako dahil hindi siya nakauwi kagabi," pahayag niya sa sekretarya ni Alec."Yes, Ma'am. Narito po siya. Mukhang dito na siya nagpalipas ng gabi dahil iyon pa rin po ang suot niyang suit mula kahapon," sagot naman ni Lizza sa tonong may halong pag-aalinlangan."I see. Thank you, Lizza.""You are very welcome po, Mrs. De Hizon." sagot ng sekretarya.Sa opisina ba siya natulog? Ginagawa ba niya talaga ito para saktan ako? I asked him to come home, and he chose not to come at all. Ano ba ang inaasahan niyang maramdaman ko? Sinasadya ba niya akong saktan? Pero bakit? Ano ba ang nagawa ko para tratuhin niya ako nang ganito?Nasasaktan siya, oo, ngunit higit pa roon ay labis siyang nag-aalala.Perhaps he had his own reasons. It might have been foolish, but she found herself heading to his office, bringing breakfast for him.&nbs
Magbasa pa