ELENA POV "Ate, tingnan mo si Whitey. Kulang na lang bigyan natin ng sariling silya sa dining table, parang nakikinig din sa usapan natin," tawa ni Maya habang itinuturo ang aso na nakaupo nang tuwid sa tabi ng bakanteng upuan ni Dante. Nasa study room kami ng mansyon, pinaliligiran ng mga makakapal na printout ng final blueprint para sa renovation sa Laguna. Miyerkules ng gabi, at imbes na magpahinga, pinili naming pamilya na mag-catch up sa mga detalye ng foundation habang humihigop ng mainit na tsaa. "Hayaan mo siya, Maya. At least siya, tahimik na nagbabantay. Ikaw, kanina pa salita nang salita dyan, hindi mo pa natatapos 'yang layout ng arts curriculum mo," biro ko sabay lapag ng ballpen sa ibabaw ng desk. "Tapos na kaya! Heto oh, tignan mo," inabot sa akin ni Maya ang kanyang iPad, kung saan may maayos na listahan ng mga basic exercises sa pagguhit, may kulay pa ang bawat page. "Gusto ko sa unang Sabado, mag-focus muna sila sa shapes. Alam mo 'yun, para hindi sila mabigla."
Baca selengkapnya