DANTE POV "Kuya, tingnan mo si Whitey, kulang na lang bigyan natin ng sariling silya sa dining table, parang nakikiniig din sa usapan natin tungkol sa foundation," tawa ni Maya habang itinuturo ang aso na nakaupo nang tuwid sa tabi ng bakanteng upuan sa terrace. Nasa likod-bahay kami ng mansyon, pinaliligiran ng mga makakapal na printout ng final blueprint para sa renovation sa Laguna. Huwebes ng hapon at medyo maaliwalas ang panahon, sakto para sa balak ni Nanay Belen na mag-ayos ng kanyang maliit na vegetable patch sa tabi ng garden bed habang kami naman ay nagka-catch up sa mga papeles. "Hayaan mo siya, Maya. Mas may focus pa nga si Whitey kaysa sa'yo. Ikaw, kanina pa salita nang salita dyan, hindi mo pa tinatapos 'yang layout ng arts curriculum mo," biro ko sa kanya sabay lapag ng ballpen sa ibabaw ng lamesa. Kung iisipin, malayo na talaga ang narating namin mula nung nakaraang buwan, sa loob-loob ko habang pinapanood si Maya na seryosong nagbubukas ng kanyang iPad. Dati, kahi
อ่านเพิ่มเติม