"Don't bother asking. Magpokus ka muna sa pagpapagaling mo. Kailangan na manatiling tumitibok ang puso ni Eileen sa loob mo," may kalamigan ang boses ni Keith.Umawang ang mga labi ni Kaia noong marinig iyon.Ang puso ni Doktora Eileen.... ang pinalit sa puso niya?Nanlamig siya at muling nanubig ang mga mata.Isa lang ang ibig sabihin no'n.... patay na ang Doktora na nagmalasakit sa kanya.Tuloy-tuloy na naman ang agos ng mainit na luha sa pisngi niya.Bakit mas masakit isipin iyon? Buhay siya pero..... may namatay dahil sa kanya."Oh God, calm down, Kaia. Please," pakiusap ni Dra. Castro sa kanya at pinunasan ang luha niya.Kahit nanlabo ang paningin niya, kita pa rin niya ang pagluha ni Dra. Castro. Tiyak na mas nasasaktan ito higit sa lahat."I-m sorry po, Dra. K-asalanan ko po," pilit niyang bigkas.Tipid na ngumiti si Dra, "Magpagaling ka muna, Kaia. Kapag gumaling ka na.... saka ko sasabihin ang nangyari sa b-aby mo. Hm?" malumany ang boses nito pero may nginig.Ramdam na niya a
อ่านเพิ่มเติม