Zaica povPagdating namin sa aming bahay, agad na pumasok si Zeus bitbit ang ilang mga gamit na dala namin mula sa aming paglalakbay. Ibinaba niya lamang ang mga ito sa gitna ng sala, walang salita, walang tinginan, at tila ba wala akong kasama kahit nasa iisang bubong kami. Napakunot ang aking noo habang nakatingin sa likuran niya habang naglakad siya palayo, parang isang anino na biglang nawala sa paningin ko.Sinalubong naman ako nina Aling Basha, Aling Osang, Cecile, at ni Manang Rosa. Agad nilang kinuha ang mga gamit at dahan-dahang inayos ang mga ito, habang ang kanilang mga mata ay puno ng pagtataka at pag-aalala habang sumusulyap-sulyap sila sa direksyon kung saan nagtungo si Zeus. Ramdam ko ang kanilang pagkabigla, dahil hindi naman ganito ang ugali ng aking asawa. Kilala nila si Zeus bilang lalaking laging maingat, maalaga, at laging sinisiguro na nasa maayos na kalagayan ako bago niya gawin ang kahit ano. Ngunit ngayon... iba ang hangin na umiihip."Ma'am Zaica, ayos lang p
Magbasa pa