Bahagyang umayos ng tindig ni congressman at tsaka lumingon sa panibagong tinig. "I saw a former friend here, I just said hi to her" tugon nito at tsaka tumingin sa akin. "Samantha," tawag naman agad ni Tristan sa akin. Nang magtama ang tingin namin ni Tristan kita ko ang seryoso nitong titig sa akin pero hindi ko mabasa. Gayon pa man humakbang ako papalapit sa kanya. At tumayo sa tabi nya. "I'm leaving now," sambit ni Cong. Romualdez "You should," tugon ni Tristan Tahimik lamang ang paligid ngunit ramdam ko ang bigat ng tensyon sa pagitan nilang dalawa. Nang tumalikod si Cong. Romualdez malamig na sinusundan ng tingin ni Tristan ang papalayong congressman. Samantala ako… hindi pa rin tuluyang nakakabawi mula sa banta. “Are you okay?” mababa ngunit mariing tanong ni Tristan nang hindi tumitingin sa akin nananatili siyang nakatayo sa tabi ko. “I’m fine.” bago pilit na ngumiti. Ngunit agad din nitong ibinaling sa akin ang tingin. “Don’t lie to me, Samantha.”
Read more