Isang nakakabinging katahimikan ang nanaig sa loob ng court sa ginawang pagsampal ni Elyan kay Diego. Agad na naglaho ang tawanan ng kanyang mga teammates habang ang ilang mga estudyante, sa loob ng court na iyon, ay nahinto sa kani-kanilang mga ginagawa.Napahawak si Diego sa kanyang pisngi na sinampal ng dalaga. Nabura ang ngiti sa kanyang mga labi at kunot-noo niya itong tinapunan ng tingin. Sa kabilang banda naman ay nanatiling nakatayo si Elyan sa harap niya habang nakataas ang kilay nito."Ouch! That hurt!" mahinang anas ni Diego. "You—"Naputol ang kanyang sasabihin nang muli siyang sampalin ni Elyan sa kanyang kabilang pisngi."How dare you, Mr. Diego Mendoza!" nanggagalaiting wika ni Elyan. "Ang kapal ng mukha mong ipagkalat sa buong campus na boyfriend kita! Bakit? Sa tingin mo ba, papatulan kita? Sa tingin mo ba, papatulan ko ang isang tulad mo? If this is how you work on your little schemes, then hindi ako magdad
Read more