"Hindi ko talaga expected ang nakakainis na lalaking 'yon ay ikaw, Gino.""Naisip mo ba noong una na hinding-hindi mo na makakatagpo ang nakakainis na lalaking 'yon?" tanong ni Gino.Umiling ang dalaga. "Sa totoo lang, noong oras na 'yon, nanalangin ako sa Diyos na huwag na tayong magkita pa ulit. Ang dami ko kayang pinagdaanang hirap para lang makuha 'yung flash drive mo, tapos noong nakuha ko na, pinagalitan mo pa ako. At wala man lang thank you. Napakabwisit ka noon!"Hinaplos ni Gino ang pisngi nito habang nakangiti. "Ibig sabihin lang niyan, sinagot ng Diyos ang mga panalangin ko, mahal ko. Simula kasi nung araw na 'yon, palagi ko nang binabanggit ang pangalan mo sa mga dasal ko. I’m sorry kung naging masama ako sa 'yo noon, ha? Pinagsisisihan ko talaga 'yon.""Matagal na 'yon, ano ka ba! Hindi ko na nga 'yon iniisip. Ang galing din ng plot twist ng buhay natin, 'no? Ang lalaking naging dahilan kung bat sumumpa ako noon na magiging matandang dalaga habang-buhay, siya na pala ang m
Baca selengkapnya