Walang alarm, wala ring maiingay na huni ng ibon. Tanging isang manipis na sinag ng araw lang ang dahan-dahang gumapang sa pagitan ng kurtina sa kwarto na tumama sa sahig, at umakyat sa kama kung saan nakahiga si Lori.Kanina pa mulat ang mga mata niya.Hindi siya sigurado kung gaano na siya katagal na nag-aabang. Ang malinaw lang, hindi naging mahimbing ang tulog niya sa buong gabi. Sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata, agad na bumabalik ang isip niya sa iisang bagay. At sa tuwing mangyayari 'yun, sumisikip ang dibdib niya sa halo-halong emosyon… takot, pag-asa, kaba, at kaunting saya na hindi pa niya lubos na maamin sa sarili niya.Bahagyang bumuntong-hininga si Lori, tsaka lumingon sa kanyang tabi. Tulog pa rin si Weston, at napakahimbing ng tulog nito na para bang napakaligtas ng mundo sa paligid ng lalaki. Kalmado ang mukha nito, hindi nakakunot ang makakapal na kilay, at relaxed ang panga. Medyo gulo-gulo rin ang buhok nito, na lalong nagpadagdag sa pagiging pogi nito kay
Read more