Samarah’s POV “Pakiramdam ko ang sama sama kong Nanay.” Kinuha ko ang kitchen tissue saka pinunas iyon sa mukha ko. Wala naman si Rowan, pwede na ito. “Bakit naman?” “Kasi konting hirap lang po iniwan ko na yung mag ama ko eh. Samantalang si Mama noon kapag nahihirapan siya wala naman siyang ibang matatakbuhan, kailangan niya lang tiisin ng tiisin lahat.” Lumapit siya sa akin at saka umupo sa harapan ko habang hinihimas ang balikat ko, “Gaya nga ng sabi ko sa ‘yo anak, tao ka lang. Ginawa mo lang naman iyon kasi kailangan mo magpahinga hindi ba? Babalikan mo naman ang anak mo. Ang importante hindi ka tumatakbo sa mga responsibilidad mo, nagpahinga ka dahil tao ka lang pero dahil nanay ka, sisiguraduhin mong haharapin mo pa rin ang mga bagay na dapat mong harapin.” Hinila ko siya at niyakap, “I love you, Mama.” Madalas talagang tahimik lang at tatawa tawa si Mama Joy. Pero kapag siya na nag nagsalita at nagbigay ng payo, solidong solido lahat. Tamang tama, pasok sa banga.
Baca selengkapnya