Sheika's POV Wala akong nakuhang sagot kay Theo nang biglang tumunog ang phone niya. Nang hugutin niya 'yon at makita kung sino ang tumatawag, mabilis niya 'yong itinago—napansin ko na bago ang kanyang phone, hindi 'yong di-pindot na kapareho ng akin. Anong meron sa bago niyang phone? Bakit pakiramdam ko may tinatago siya sa akin? "May bago ka pa lang phone?" tanong ko at sumandal sa headboard ng kama. "Sagutin mo na 'yan, baka importante. Ayos lang ako dito." "S-Sige, mabilis lang," aniya at nagmamadaling lumabas na para bang doon nakasalalay ang buhay niya. Napabuntong-hininga na lamang ako at napapikit ng mariin. Hinilot ko ang sentido hanggang sa... unti-unti ko nang naalala ang lahat. Napamulat ako kasabay ng pagbuhos ng mga luha ko. Mukha ni Liam ang bumungad sa akin, nakangisi habang inaasar ako. Liam was my childhood crush, my first kiss... iyong lalaking lagi akong inaasar tapos hanggang sa maging kami, iyong away-bati, kasal, at iyong pinagbubuntis ko. Nakunan ako. I
Baca selengkapnya