“I don't care about the guests. I care about my wife,” matigas niyang sagot. Luminga-linga siya sa paligid, tila naghahanap ng pinakamabilis na exit point.“Brother.”Isang bago ngunit malalim na boses ang pumutol sa reklamo ni Black. Napalingon kami at nakita ang isang lalaking halos kasing-tangkad at kasing-lamig ng aura ni Black.Nakasuot ito ng navy-blue tailored suit. Pero ang ikinagulat ko ay ang napakagandang babaeng nakakapit sa braso niya, na may buhat-buhat na isang napakacute na batang lalaki na nakasuot ng maliit na tuxedo.Si sir Darken at Ma’am Angel.“Darken,” tipid na bati ni Black, nag-abot sila ng kamay.“I never thought I'd see the day the underground king gets tied down,” mapang-asar na komento ni Darken. Tiningnan niya ako at bahagyang tumango. “Congratulations, Mrs. Saviano. You did the impossible.”Ngumiti ako. “Thank you, Sir Darken.”“Just Darken. We are family now,” anito, bago lumingon sa asawa niya na may nakakalokong ngiti. Ang kaninang malamig na aura ni D
Last Updated : 2026-06-22 Read more