SA MGA sandaling iyon, nakaupo si Clyde sa loob ng kanyang opisina habang tahimik na nakatitig sa screen ng cellphone.Maya-maya ay may tumawag. Si Samantha.Bahagyang nagdilim ang ekspresyon niya nang makita ang pangalan nito. Alam na niya kung bakit ito tumatawag.Sa nakalipas na ilang taon, si Samantha ang pinakamalapit na kaibigan ni Bianca. Kapag may tampuhan sila noon, dito agad lumalapit ang babae. At sa tuwing nangyayari iyon, si Clyde ang nagiging kontrabida.Kahit pa laging sinasabi ni Samantha na ayusin nila ang kanilang relasyon, hindi nawawala ang mga patama, paninisi, at guilt-tripping na ibinabato nito sa kanya. Dahil doon, matagal na siyang napagod.Kaya nang muling tumunog ang cellphone, direkta niya itong pinatay. Hindi na niya kailangang hulaan. Siguradong tungkol iyon sa paghihiwalay nila ni Bianca.Hindi naman mapilit si Samantha.nNang hindi niya sagutin ang tawag, hindi na ito muling tumawag.Ngunit makalipas lamang ang ilang minuto ay may notification na pumasok
Read more