SEBASTIAN’s POV Idinilat ko ang aking mga mata at agad na sumalubong sa akin ang matinding tibok sa aking sintido. Masakit ang aking ulo.“Argh, Damn,” mahina kong mura habang pikit-matang hinilot ang aking noo gamit ang isang kamay. Ramdam ko ang panunuyo ng aking lalamunan at ang bigat ng hangover mula sa alak na nainom ko kagabi. Ngunit bago ko pa tuluyang mapagtuunan ng pansin ang aking nararamdaman, napansin ko ang banayad at regular na paghinga ng isang taong nakahilig sa akin.Nilingon ko ang taong nakahilig sa aking braso, at agad akong natigilan. Sa isang iglap, tila naglaho ang lahat ng sakit sa aking ulo nang magsimulang unti-unting magbalik sa aking alaala ang mga nangyari kaninang madaling araw. Damn it... We made love.Napatitig ako sa kisame, hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.Damn it, Sebastian.Dahil sa epekto ng alak at sa matinding tampuhan namin ni Bianca noong isang gabi, tuluyan akong nawalan ng kontrol sa aking sarili. Nagsimulang magbalik sa aking
Read more