Bianca's Point of ViewPagbukas ko pa lang ng pinto ng cafeteria, agad ko nang namataan sina Giovanna at Bernadeth sa paborito naming mesa sa bandang gilid.Kumaway agad si Bernadeth gamit ang dalawang kamay niya nang makita ako.“Bi! Dito!”Napailing na lang ako habang naglalakad palapit sa kanila. Minsan, nakakahiya talaga kumilos ang kaibigan kong 'to.Hindi pa man ako tuluyang nakauupo, napakalawak na agad ng ngiti niya at halatang excited na excited na sa sasabihin ko.“Umorder na rin ako ng food mo, gurl. 'Yung favorite mo,” sambit ni Giovanna, saka inusog sa harap ko ang pagkaing inorder niya.Ngumiti naman ako nang matamis.“Thank you, Vanna.”“You're welcome, girl. Tara, kumain na muna tayo ba—”“What? Kakain muna? Hindi ba pwedeng habang kumakain, nagkukuwento si Bi?” singit agad ni Bernadeth.Binatukan naman siya ni Giovanna.“Food first. Ilang minuto ka lang maghihintay.”Napanguso naman si Bernadeth saka napilitang simulan ang pagkain. Natatawa na lang ako habang napapa
Mehr lesen