Dasha POVHindi ko pa rin mapigilang mapangiti habang hawak ang envelope sa loob ng bag ko. Pakiramdam ko kasi hanggang ngayon, lutang pa rin ako. Kanina lang pumipirma ako ng contract sa Goodnovel Ink, tapos ngayon, officially may natanggap na akong unang payment bilang published author. Hindi ko alam paano ie-explain, pero sobrang surreal niya sa pakiramdam.Parang kailan lang, iniisip ko pa kung sapat ba suweldo ko sa flower shop para makapag-ipon. Tapos ngayon, may kinikita na ako dahil sa pagsusulat. Dahil sa pangarap ko.Kaya naman pagbaba namin ng building, agad akong napalingon kina Nanay Susie, Tatay Darwin, at sa boyfriend kong si Elco.“May sasabihin ako,” sabi ko habang papasok kami sa arkiladong van.“Ano na naman ‘yan?” tanong ni Elco.“Tara, kakain tayo, sagot ko!”“Kakain naman talaga tayo,” sagot niya.“Hindiii.” Napatawa ako. “As in treat ko.”Biglang nagkatinginan sina Nanay at Tatay.“Ano ka ba, anak,” agad na sabi ni Nanay Susie. “Hindi na kailangan—”“Kailangan,”
Read more