Lumipas ang mga araw, at naging maayos naman ang homeschooling ko.Ayaw pa rin akong payagan ni Asmodeus na pumasok sa campus, kaya dito na lang ako palagi sa mansion.Ngayon, nakaupo ako sa sofa sa sala, kinakalikot ang bagong cellphone na binigay niya kagabi.Bilang pambawe, naisip kong dalhan siya ng lunch sa opisina.Lumapit si Mia, nakangiti."Zamara, ready na 'yung dadalhin mo."Tumango ako, isinuksok ang cellphone sa bag, saka marahang naglakad palabas habang bitbit ang lunch bag para kay Asmodues.Si Kuya Roberto ang maghahatid sa akin."Ingat kayo ha," sabi ni Mia at Manang Lydia, parehong may ngiti sa labi.Habang nag-aayos ako ng sapatos, muling nagsalita si Mia."Ah, at saka Zamara-'yung pinabili mong mangga, nasa kusina na."Napangiti ako kahit papaano."Sige, maya ko na lang kakainin pag-uwi ko, pagkatapos kong maihatid 'to."Tumango si Mia. "Sige. Ngumiti ako, pilit man, at saka tumalikod.Hindi ko alam kung bakit, pero habang papalapit kami sa sasakyan, may kung anong
Read more