continuation of the flashbackParating ganun na lang ang nangyayari-araw-araw, dumarating si Asmodeus sa kwartong pinagkukulungan niya. Walang salitang binibitawan, uupo Lang sa tabi niya, tititig lang... isang titig na tila kayang basagin ang loob niya.Lumipas ang mga araw... naging buwan... at tuluyang naging mga taon.Hanggang sa dumating ang mismong araw ng kanyang kaarawan.Isang hapon ay nagulat si Zamara nang bumukas ang pinto. Pumasok si Asmodeus, nakangisi, kasunod si Mia na may hawak na isang kahon."Happy eighteenth birthday, my Zamara," malalim ngunit mapanlinlang ang tono ni Asmodeus, habang inilalapag ang kahon sa harap niya."Maligo ka na," utos nito, malamig pa rin ang tinig. "Isuot mo ang gown na 'yan."Pagkatapos ay bumaling ito kay Mia. "Gusto ko, within one hour, tapos mo na siyang ayusan para sa kasal, Mia.""O-opo, Master," mahina ngunit magalang na sagot ni Mia, sabay tingin kay Zamara na tila nag-aalala."A-anong kasal!?"Mabilis na umiling si Zamara, naluluha
Read more