Scarlett’s POVWalang kasing lamig at kasing saya ng umagang ito. Graduation day na sa St. Margarette—ang araw na parang napakalayo noon, pero ngayon, parang ayaw ko pang matapos. Sa bawat hakbang ko sa corridor ng campus, ramdam ko ang bigat ng toga at cap, pero mas mabigat ang dami ng alaalang dala ko: mga gabing walang tulog para lang matapos ang lesson plan, mga iyak sa CR tuwing akala ko hindi ko na kaya, mga tawa at kwento ng kabarkada, at ang lahat ng lihim na itinago at tinanggap ko sa lugar na ito.Abala ang lahat sa pag-aayos ng toga, pagkuha ng pictures, at pagyakap sa mga kaibigan. Kahit saan ako lumingon, puro ngiti at iyak, puro kwento ng pagsisimula at pagtatapos, puro pangako na “magkikita pa rin tayo kahit saan man tayo mapunta.”Sa faculty area, nakita ko agad sina Miza, Diane, at Shane. “Scar! Dali, groupie tayo!” bulong ni Diane, sabay yakap.Tumawa ako, pilit na pinipigilan ang luha. “Grabe, parang kailan lang, ‘di ba? Ngayon, graduates na tayo.”“Deserve mo ‘to,
Magbasa pa