THE MAFIA QUEEN, PAHIRAM NG MUKHA CHAPTER 102ALICENang makaalis sila, ay mabilis kong tinanggal ang kadena sa mga paa ko, gamit ang bibig ko. Mabuti nalang at hindi namalayan ng tauhan ni Colt, ang pagkuha ko sa susi, nang lapitan niya si Colt kanina, dahil ang kanilang atensyon ay naroon lang kay Colt, lalo na at sugatan siya. Nang matagumpay kong natanggal ang kadena, ay agad akong tumayo. Pero bigla rin akong natumba, dahil sobrang hina ng katawan ko, lalo na sa mga bugbog na natamo ko, lalo na at may sugat pa ako sa braso. Pinipilit ko ang sarili ko, na muling makatayo, dahil kailangan kong mailigtas si Mark. Kailangan ko ring makuha ang mga anak ko ngayon, habang wala pa si Colt. Dahan-dahan akong pumunta sa pinto, at nang buksan ko ito, ay naka-lock ito, kaya muli kong kinuha ang susi. Nang mabuksan ko ang pinto, ay agad kong binaliaan sa leeg ang tauhan ni Colt, na nagbantay sa akin. Isa-isa kong tiningnan ang bawat silid, at nang makita ko si Mark, ay mabilis ko siyang n
Read more