THE MAFIA QUEEN, PAHIRAM NG MUKHA CHAPTER 84ALICE"Boss, nakuha na namin ng bata.." wika sa akin ng tauhan ko, matapos kong sagutin ang tawag niya. "Mabuti kung gano'n, bantayan niyo siyang mabuti, at 'wag n'yong hayaan na masaktan siya." Wika ko, habang mabilis kong binaba ang tawag. Kahit gaano ako kasama, ayoko pa rin na mapahamak ang anak ng lokong 'yon, hindi katulad niya, na gustong patayin ang anak ko, mas maganda na rin kung wala sa kanila ang bata, para hindi ito matulad sa kanila."Bakit?" tanong ko, matapos kong marinig ang katok ng secretary ko. "Ma'am nasa labas po ng kumpanya si sir Leo, at gusto ka po niyang makausap.." sagot sa akin ng secretary ko. "Hindi ba talaga siya nakakaintindi?" "Ayaw niya pong umalis ma'am Alice, hangga't hindi niyo raw po siya kinakausap." Wika sa akin ng secretary ko, kaya mabilis akong tumayo. "Ako na ang bahala sa kanya." Ngiting wika ko, habang kinuha ko ang baril ko at kinasa ito. "Alice!" Mabilis akong napalingon kay Aria, dahil
Read More