THE MAFIA QUEEN, PAHIRAM NG MUKHA CHAPTER 71ALICENang harangin siya nang mga tao sa loob ng restaurant, ay malawak akong napangiti kay Colt, at mabilis siyang iniwan. Nang makarating ako sa kotse ko, kasama ang mga tauhan ko, ay muli akong napalingon sa lugar. ‘Hanggang kailan ka magpakatanga sa kanya Colt?’ “Sa airport na tayo,” utos ko sa tauhan ko, dahil kailangan ko nang bumalik, at hindi na ako pwedeng manatili pa rito, dahil na-gawa ko nang patayin ang Manuel na ‘yon, ngayon ay kailangan ko namang isunod ang iba pang nagtraydor sa akin, bago ko balikan si Ruby, dahil isa na rin siya sa babalikan ko.**********“Kumusta ang kumpanya?” Tanong ko kay Mark, habang umupo ako sa swivel chair ko. “Ayos lang, binalik na rin ni Leo, ang perang nawala.” Napatingin ako kay Mark, dahil sa kanyang sinabi. “Mabuti kung gano’n, hindi na pala tayo mahirapan.” “Hindi naman natin kailangan ang perang ‘yon, at alam mo ‘yon.” Masama ko siyang tiningnan, dahil sa kanyang sinabi. “Wala akong
อ่านเพิ่มเติม